TALUMPATI

        Tayong lahat ay may kasanayang gumamit ng wika, wika ang nag silbing pang araw araw na ginagamit upang makapag usap. Napakahalaga ng wika sa atin bilang isang pilipino, isa itong tulay upang magkaintindihan tayong lahat. tayo ay iisa sa gitna ng pandemya. tayo ay lalaban gamit ang wika. Sa panahon ngayun dapat naying isa alang alang ang paggamit ng wikang kinagisnan. wika ang magseselbing pundasyon upang tayo'y may komunikasyon. Ngunit ano ba ang selbi ng wika kontra sa pandemyang kumalakat?


    Ang wika ay isa sa pinakamahalagang dapat na matutunan nating lahat. Ngayong patuloy ang ating bansa sa pakikipaglaban sa banta ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), kabilang ang wikang Filipino at ating mga katutubong wika, bilang isang mabisang armas laban sa pandemya. Ito ay sa pamamagitan ng paghahatid ng mga importanteng impormasyon na nasa wikang Filipino, na kinakailangan upang mas maunawaan at maintindihan ng bawat Pilipino, saan mang sulok ng bansa, ang mga alituntunin at patnubay, upang maiwasan ang pagkalat o paghahawaan ng COVID-19.bilang isang mamamayang Pilipino mas napapaliwag ang isang balita kung ito ay nasa anyo ng wikang ating alam o ang katotobong wika na ating kinagisnan, mas mapapadali ang pagpapakalat ng mga impormasyong may katuturan sa bawat Pilipinong nabubuhay at lumalaban. Hinggil sa mga pagsusuri, malimit ang alam ng ating mga iilang kababayan sa iilang wika kung saan ay hindi nila ito labis na maunawaan. sa ganitong sistema natin ngayon mas mahalagang pag ingatan at pahalagahan upang sa ganoon ay ating maipagmalaki at maipamana sa mga susunod na henerasyon.

     Ang ating wika ay sumisimbolo sa ating pagka Pilipino at bilang matatag at nagkakaisa. dahil ito ang dahilan upang mag kaunawaan. ngunit pano natin malalasap ang pag babago kung mismong tayong mga Pilipino ay hindi nagkakaintindihan sa wikang ating kinagisnan. patuloy parin tayong lugmok at nag aabang para sa sinasabing pagbabago. Dapat nating pagyamanin at wastong gamitin upang ang tayo'y magkaisa sa ating sariling wika.

Comments

Popular posts from this blog